Friday, July 8, 2011
Saturday, June 18, 2011
LUPANG HINIRANG - Kalagayan ng Bayan
LUPANG HINIRANG
Bayang Magiliw Perlas ng Silanganan,
Ina naming magiliw, nasaan ang mga anak mo? Karamihan ay nasa isang bansa na nagpapakahirap. Dahil ba ito sa sobrang pagkagiliw mo o sadyang sila na mismo ang ayaw manatili sa piling mo? Ikaw ang perlas ng silangan pero anong ginagawa nila sa iyo? Dahil ba sa kagandahan mo kaya madami ang umaabuso sa likas mong yaman?Alab ng puso Sa dibdib mo’y buhay.
Marami na ang nagagalit sa pamamalakad ng aming mga magagaling na pulitiko. Hindi na kinakaya ang sakit na dulot ng maraming kumplikasyon sa ating gobyerno. Kahirapan, mga sakuna, korupsiyon at madami pang sakit sa lipunan na kung iipunin ay sapat para mag-alab ang aming mga damdamin at sabihing “bakit ganito ang nangyayari sa bayan?”
Lupang hinirang, Duyan ka ng magiting,
Batid ng lahat kung gaano kadaming buhay na ang nalagas at naisakripisyo para sa inang bayan. Mga magigiting na mga anak ng bayan na walang ibang hinangad kundi ang kabutihan para sa karamihan. Hindi rin mawawala ang kagitingan ng mga nagtatanggol sa mga taong-bayan na kulang-kulang ang mga benepisyong natatanggap. At hindi nila ginagamit na dahilan ang kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan para tumigil sa pagsisilbi sa taong bayan. Anong kagitingan pa ang hinahanap mo?
Sa manlulupig, ‘Di ka pasisiil.
Ilang mga banyagang bansa ang sumakop sa Pilipinas? Pero hindi nagwalang bahala ang mga magigiting na anak ng bayan para ipagtanggol ang kasarinlan ng ating bayan. Nakalaya tayo, oo, pero tunay ba talaga tayong Malaya sa kamay ng mga dayuhan? Ang sistemang nilabanan ng ating mga bayani tulad nina Rizal, Bonifacio at marami pang iba, ay siya ring kinanalaban natin hangang ngayon. Nasaan ang kalayaan na sinasabi natin?
Sa dagat at bundok ,Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula at awit Sa paglayang minamahal.
Sobrang ganda ng ating bayan kung ang likas na kayamanan an gating pagbabatayan. Hindi lingid sa kaalaman ng bawat Pilipino at pati na rin ang mga banyaga ang kariktan ng ating bansa. Pero kung titingnan natin ang ginagawa sa ating kalikasan, masasabi nating kulang na kulang an gating pagpapahalaga sa likas na ganda ng sa atin ay ibinigay. Nandiyan ang mga pagsira sa mga yamang tubig at ikinakalakal sa ibang bansa. Ang mga punong pinuputol kaya madaming kabundukan ang nagging kalbo at halos wala nang puno na natitira. Ito ba ang gagawin natin sa ating magandang kapaligiran? Nasaan ang sinasabing pagmamahal natin sa ating bayan?
Ang kislap ng watawat mo’y Tagumpay na nagniningning,
Kung talento ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang mga Pilipino. Napatunayan na ito sa iba’t-ibang larangan. Sa musika, palakasan atbp. Pero sapat ba ang atensiyon at suporta na natatanggap ng mga nagbibigay karangalan sa bayan? Hindi naman kalabisan kung bigyan natin sila ng suporta para mas lalong ganahan at magkaroon ng tibay ng loob para mas lalong pag-igihan at makakamit ang tunay na ningning ng ating bandila.
Ang bituin at araw niya Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.
Anong sinisimbolo ng mga sinag ng araw at ang tatlong bituin sa ating watawat? Ito ay para maipakita na ang bawat Pilipino ay nagkakaisa. Ating tingnan ang katotohanan. Sino ba ang patuloy na naglalaban? Mga Pilipino kontra Pilipino. Walang maayos na usapan dahil lahat ay nagmamagaling at ayaw making sa opinyon ng kanyang kapwa. Ito ba ang pagkakaisa na isinasagisag ng araw at bituin?
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo;
Ang katotohanan: tumingin ka sa bawat komunidad na iyong madadaanan. Masasabi mo bang langit pa rin ang buhay sa piling ng inang bayan? Babalik tayo sa usapang umaalis ang marami para makahanap ng mas magandang langit sa ibang bansa, bakit ganito? Saan tayo nagkukulang? Nasa atin ba ang problema o kulang talaga ang tulong na ibinibigay ng gobyerno para maiwasan ang pag-alis ng ating mga mahal sa buhay at tuluyan nating masasabi na langit ang buhay sa Pilipinas?Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa ‘yo.
Kung wala tayong gagawin para mabago ang kasalukuyang kalagayan n gating bayan, walang silbi ang ipinaglaban n gating mga ninuno. Panahon na para pag-isipan natin kung ano ang kailangan ng LUPANG HINIRANG!!!
Sunday, March 6, 2011
Subscribe to:
Comments (Atom)